Sabado, Oktubre 26, 2013


               KALIKASAN

  Ang kalikasan ay mula sa Diyos. Hindi bahala ang mga ito. Dahil ito ay mahalaga sa ating Poong Maykapal kaya dapat nating pangalagaan ang ating kalikasan.

Ito'y ginagamit natin sa ating pang araw-araw na pamumuhay. Kung MALINIS ang ating paligid malinis rin ang malalanghap nating hangin. Hindi magiging marumi ang ating paligid. At walang magkakasakit.

Bilang pagmamahal natin sa Diyos mahalin rin natin ang kalikasan upang matugunan natin ang pang araw-araw na pangangailangan. Mahalin at pangalagaan natin ang kalikasan na ibinigay ng Diyos sa ating lahat.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento